top of page

ABSTRAK

MGA PILING MAKASAYSAYANG LUGAR SA BAYAN NG PILI, CAMARINES SUR: ISANG PAGTUKLAS  NG KALINANGANG PANSINING AT KULTURA NG MGA PILIÑEO. ABAÑO, FRANCIS I., APAR, ROLLY ARJAY P., HERNANDEZ, RICA B., RODRIGUEZ, LARA CZARINA B., SABORDO, FRANCIA H., SAN JUAN, MARIA DEL T., Central Bicol State University of Agriculture, Nobyembre 2016.

Tagapayo: Myleen T. Balderas

 

           Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman at masuri ang mga piling makasaysayang lugar mayroon ang Bayan ng Pili Camarines Sur. Bilang pag-iisa-isa, layunin nito na masagot ang mga sumusunod na suliranin. 1. Ano-ano ang mga lugar sa bayan ng Pili, Camarines Sur na maituturing na makasaysayan? 2. Ano-anong kalinangang pansining at pangkultura ang matatagpuan sa mga makasaysayang lugar? 3. Ano ang implikasyon ng mga makakasaysayang lugar na ito sa komunidad at edukasyon? 4. Anong kagamitang pampagkatuto ang maimumungkahi na may kaugnayan sa sining at kultura ng mga makasaysayang lugar?.

            Batay sa unang suliranin alinsunod sa mga nakalap na datos ukol sa mga makasaysayang lugar sa bayan ng Pili lumabalas na may tatlong nangingibabaw at pinaka-itinuturing na makasaysayang lugar sa bayan ng Pili ito ay ang Filipino-Japanese Monument, Saint Raphael De Archangel Church at ang Pamantasan ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) na pawang nakaroon ng 93.3% sa kabuuang 100%. Sa Sumunod ay ang Air-Raid Shelter na mayroong 90%, ang Mercede Vda De Imperial at Watch Tower of Leprosarium ay mayroong 86.6%, ika-pito ay ang Parish of Nuestra Señora De Los Remedios na mayroong 73.3% at ang pinakahuling maituturing na makasaysayang lugar sa bayan ng Pili ay ang Christ the King na mayroon mayroong 63.3% bagaman higit na mababa ito kumpara sa ibang makasaysayang lugar ay maihahanay parin ito dahil higit sa kalahati ang sumang-ayon na ito ay makasaysayang lugar din.

             Batay sa Pangalawang suliranin ukol sa mga pansining at pangkultura na nakapaloob sa bawat pinag-aralang makasaysayang lugar lumalabas na pinatututnayan ng mga resulta na mayroong matatagpuang sining sa bawat estrakturang ito at kultura nakaakibat at nakapaloob dito. Sa pangatlong katanungan ukol sa naging implikasyon sa edukasyon ng makasaysayang lugar ay lumabas na sa sampung katanungan na nagpapahayag ng implikasyon o ang kahalagan nito sa lipunan at Edukasyon nakakuha ng halos perpektong 100% ng pagsang-ayon sa bawat pahayag na inilatag ng mga mananaliksik. Nagpapatunay lamang ito na may saysay ang pag-aaral na ito, na kahit luma at napaglilimutan na ito ay makakatulong parin ito sa pagbuo ng identidad ng mga Piliñeo at pag-papaunlad ng kultura at sining na natatangi at matatagpuan lamang sa Bayan ng Pili. Sa huling katanungan na kung ano ang malilikhang kagamitang pampagtuturo makalilikha ang mga mananaliksik ng isang Booklet Guide na makatutulong sa pagpapaunlad ng kamalayan ng pangsariling kasaysayan ang mga Piliñeo.

            Batay sa mga nakalap na Resulta ay nakalikha ng mga sumusunod na konklusyon at rekomendasyon, mula sa unang suliranin Ang Bayan ng Pili ay nagpatunayan na hindi kathang isip ang mga lugar na sinabi ng mga mananaliksik bagaman isang yaman ang mga ito ay salat naman tayo sa impormasyon ukol rito sapagkat iilan lamang ang nagangahas na ito ay tuklasin. inirekomenda ng  mga mananaliksik na mainam kung pagyayamanin pa ito at bigyan ng pondo para sa rehabilitasyon o muling pagsasaayos ng mga lugar na maituturing na makasaysayan. Sa Pangalawang suliranin na naglalaman ng kalinangang Pansining at Pangkultura napatunayan ng mga mananaliksik na tunay na mayroong mahahalagang sining at kasabay ng mga nasabing sining ay ang kultura na bumabalot rito at nagpapayaman upang maging itong isang maksaysayang lugar na may kwento at mahalagang gampanin. Mainam kung magkaroon ng ilang organisadong grupo na maglalayon na ipaalam at ipakilala ang mga makasaysayang lugar mayroon ang Bayan ng Pili Camarines Sur. Mainam rin na ang mga paaralan na nasasakupan ng Pili ang manguna na ipakilala sa mga mag-aaral ang mayamang sining at kultura na mayroon ang kanilang Bayan bago ang ibang lugar. Sa Pangatlong suliranin nagkaroon ng konklusyon ang mga mananaliksik na tunay na masasabi na may nagpapahalaga parin sa mga piping saksi sa mga nangyari sa mga nakaraang panahon at nagpapatunay rin ito na ang mga tao ay hindi mapipigil na madadag nng kanilang kaalaman. Nirerekomenda na Maaring magsagawa ng mga libreng impormasyon ang kagawaran ng turismo sa pamamagitan ng mga flyers o kaya pag-oorganisa ng isang seminar na tatalakay sa kahalagahan ng mga makasaysayang lugar sa komunidad at sa pagbuo ng pansarili at pangbayang identidad. Sa huling suliranin nasabi na naayon ang nalikhang Booklet Guide sa pangangailangan na natuklasan sa pag-aaral. Nirerekomenda na mainam kung lilikha ng ganap na Aklat na pagtutulungang ilimbag ng mga kilalang Historyador.

Back

Next

Research Output

DepEd - Minalabac National High School

  • Facebook Social Icon

Minalabac National High School Pre-Service Teachers E-Portfolio

bottom of page